Tama, tama ang basa mo kaibigan. Kagabi lang pagulong-gulong ako sa Macea at sa kung saan mang park yon na malapit sa condo ni Bennet. Salcedo park pala yun.
Napakasaya pala magLONGBOARD! Sa kung sino man sa inyo ang nakabasa sa isa sa mga una kong blog entry dito kung saan nagdadrama ako dahil sa hindi nga ako mapagkakatiwalaan sa kahit anong may gulong, pwes ngayon nadiscubre ko na may pagasa pala ako sa paglolongboard! Arrrrrh!
Salamat kay Fabo at Joey sa pagpapahiram ng boards nila. At kay Dante, Kat, Lao, at sa pinsan ni Fabo. Sila ang mga ka-jam namin sa skate.
Alas diez na ata noon, katatapos lang ng isang araw ng paghahanda para sa pitch, at maglolongboard na sina Joey at Fabo. Sa hindi ko malamang kadahilanan, niyaya nila ako. Eh dahil mga Diyossing ko sila, at medyo naintriga naman ako sa longboard nga na yan, jumoin ako. Siguro mga 5 mins akong tinuruan ni Fabo magpush-off, tapos medyo bumabalanse na ako, aba by my second hour, nakakaliko na ako! Fantabulous talaga. Pero nung nasa Salcedo Park na kami, medyo steeper yung slope kaya nung paliko na ako, hindi ko natantsa yung speed at distance, kaya ayun, sumemplang. Pero ang una kong hinabol, ang board! Haha. Walang pagpagpag sa katawan o check kung bakit mahapdi ang paa ko.
Napakasaya talaga niya. Winner.
Puro Ladera ang boards nila, Bomber, Purple Heart, Respect, at yung iba hindi ko na alam. Magseskate kami ulit later. :D Wala lang. And saya.