Tuesday, January 29, 2008

Retaso Mo, Manikako!

I-raid na ang mga cabinet at ilabas na ang mga inaamag at di na usong t-shirt, puruntong at bacon briefs! Yang skinny jeans at slinky top na yan, never na yan magkakasya sa yo! At ang frilly top ay mawawala na sa uso! Ipamigay nalang sa Retaso Mo, Manikako! boxes sa Faculty Center ng UP Diliman or sa UP IS. Pwede ding sa Podium o sa RCBC Tower.

Sa ido-donate mong gamit, makakagawa ng maraming Manikako para ibenta para may moolah for free art workshops sa mga kids na kapus-palad. Matututo din silang gumawa ng Manikako!

Visit www.manikako.com for photos. At kung naexcite kang gumawa ng Manikako super cute, mag-volunteer na din sa website! Panoorin mo rin si Medyas, ang patapong medyas na nagbigay ngiti sa isang bata dahil sa pagiging Manikako niya!

Kaya, dali, baliktarin na yang cabinet na yan!